Alamin at unawain ang Global Warming

921E6728-E9DF-4C0C-9DB4-9CFDB81D0E28.jpeg

Sa panahon natin ngayon, dapat alam ng bawat isa kung ano ang global warming at epekto ng global warming upang sa gayuy ito ay masolusyonan.

Ano ang global warming? Ito ay ang unti-unti pagtaas sa ang pangkalahatang temperatura ng atmospera ng mundo at maiugnay ito sa greenhouse effect na dulot ng paglaki ng mga antas ng carbon dioxide, chlorofluorocarbons, at iba pang pollutants.

Dahil sa pagbabago ng klima at lalong pag-init ng mundo ang kalusugan ng tao ang unang maapektohan nito. Dahil sa init maaring magkaroon ng pabalik-balik na pag ubo at sipon, heatstroke, skin cancer at iba pang sakit na naidudulot nito.

Maraming maging epekto ang global warming sa mundo, isa na dito ang paglaki ng mga karagatan dahil sa mga natunaw na mga yelo sa malalamig na lugar. Pagdagsa ng maraming bagyo, pagkamatay ng mga ibat-ibang uri ng hayop, at pagkalat at pagkadiskubri ng mga panibagong sakit dulot ng matinding init.

Ang global warming ay maari nating labanan sa pamamagitan ng pag gawa ng mga simpling bagay sa ating bahay.Suportahan at makialam sa mga usapin ukol sa global warming.Magtanim at lumahok sa mga tree planting activities. Huwag magtapon ng basura kahit saan at ugaliing mga recycle ng mga kagamitan.Magtipid sa kuryente at tubig.

Makiisa tayong lahat sa pananatili ng kaayusan at kagandahan ng ating kapaligiran.

Leave a comment